Saturday, July 15, 2006

corny becomes love!


limang buwan na pala ang lumipas ng una kang makilala, limang buwan na pala ang lumipas ng ibigin kita.
limang buwan na tayoy magkasama sa lungkot at ligaya, limang buwan na tayoy nagdaan sa unos at saya.

limang buwan mo na pala akong pinapaligaya, limang buwan mo na akong pinapasaya.
maraming limang buwan pa sana na tayoy magsama.

di ko kaya kung ikay mawawala, sa buhay koy ikay nagiisa.
sa panaginip lagi ka nakikita, sa aking isip ikaw lamang sa tuwina.
pinapangarap na ikay di magsawa sa pag alay ng pagibig mo sakin sinta.


pangakong di na mauulit pa,nagawang kasalanan ay pinagsisihan na.
sana namay akoy patawarin na, dahil ikaw ang mahal at wala ng iibigin pang iba.

patawarin mo na ako aking sinta, pinapangakong akoy di mo na masisita,
dahil aking sinusumpa , akoy di na lalandi pa,
sapagkat sa puso koy bukod tangi kang nag iisa.

akoy nababagabag sa di natin pagkikita, aking pinapangarap ikay makapiling na,
sa aking kalungkutan alaala moy nagpapasaya, sa aking kalungkutan pagsulat sayo ang nagagawa,
alay ko sayo ang aking munting tula, at kalakip nitoy pagibig na napakasaya

wala na sana o sino ang makapaghihiwalay pa , sa pag ibig natin na sadyang kay saya.

alam mo kung gano kita minahal, minahal at mamahalin,
pero ikay meron paring pagdududa, di ko na alam ang gagawin pa, ako sanay patawarin na,
sapagkat ang lumayo kay di ko makakaya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home