gamot sa bukol meron ka?...
bakit ang extra joss naimbento para pampalakas.
ang biogesic gamot sa lagnat at sakit ng ulo,
wala bang gamot para sa sakit sa puso, di yung sakit sa pusong literal ah,
yung sakit sa puso dulot ng pagiging tanga sa pagibig.
sana may maimbentong ganun.
sana may capsule or pill na iinumin at iisipin mo lang yung tao'ng gusto mo makalimutan na mahal mo sya,
kase may mga taong sobra ang katangahan pag dating sa ganyan eh,
kahit ilang beses na silang ginagago eh, mangitian lang bibigay na naman,
di na nadala, di na natuto.
bakit kaya may taong nakakapag control ng puso mo?
bakit kaya may taong pag nakilala mo eh manghihina ka at parang kang tanga na susunod sunod lang, kahit alam mong wala namang patutunguhan.
na kahit ilang beses ka saktan eh ok lang.
na kahit ramdam mo na wala ka halaga eh ok lang din.
na kahit ilang taon na lumipas eh di mo makalimutan.
minsan naiisip ko tuloy na baka karma na to.
dati ako ang nangagago, ngayon ako na ang mukang gago.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home